Memorial to the Victims of CPP Anti-DPA Campaigns
Organized by PATH and T'bak
10 May 2003
Kalayaan Park, UP Diliman
Quezon City, Philippines
Walang pinakaangkop na pagkakataon sa paggunita natin sa mga namayapang kasama na biktima ng kampanya "laban sa DPA" at iba pang biktima ng kawalang konsensya kundi sa araw na ito na kinatitikan ng unang masaklap na kabanata sa kasaysayan ng rebolusyong Pilipino – ang pagpaslang sa isang dakilang bayani, si Gat Andres Bonifacio.
Nararapat na mabigyang diin ang aral ng hindi pagkatuto sa nakaraan upang maiwasto ang kasaysayan at hindi mamalagi sa karimlan ang mga buhay, pagpupunyagi at sakripisyon ng mga kasama. Hindi sapat na mabigyang konklusyon lamang na isang "kabaliwan" o "trahedya" o "malaking pagkakamali" ang naganap, kundi bagkus at bigyan ng lubos na kalinawan ang mga pangyayari sa pamamagitan ng lubos na pagtatala (accounting) at pananagutan para ang lahat ay lumaya sa bangungot na ito at makasulong muli.
Ang amin ding pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng mga kasamang nagpupursige upang hindi malibing sa limotang lahat, na hindi naman talaga mangyayari, at patuloy na naghahanap upang mailantad ang buong katotohanan kahit sa harap ng anumang peligrong dulot ng ganitong pagpupunyagi.
Makaaasa ang lahat na kaisa ninyo kami sa ganitong kahirap, kasalimuot at maaaring mapanganib na gawain – para sa katotohanan, mga kasama, kasaysayan at pakikibaka.
Mabuhay ang Tbak at PATH!
Mabuhay Ang Rebolusyonaryong Pakikibaka!
Para sa mga Kasama,
Nilo Dela Cruz
10 Mayo 2003